Friday, January 8, 2016

Heograpiya ng Gresya

Hangganan:
  1. Silangan – Aegean Sea
  2. Kanluran – Ionian Sea
  3. Timog – Mediterranean Sea
- Estratehikong lokasyon para sa kalakalan at pangingisda
- mga daungan o look
- maganda sa labas, ngunit mabato, mabundok at malubak sa loob
- highly motivated ang mga Griyego sa kanilang kapaligiran, kaya’t mataas ang antas ng lakas at talino

Heograpiya: - Timog – Silangan ng Europe
- Balkan Peninsula
- Irregular ang baybay dagat at maraming magandang daungan
- Binubuo ng 1000 pulo
- Hindi nabiyayaan ng mainam na yamang likas ang kalupaan ng Greece
- 75% - kabundukan
- Mabato, hiwa-hiwalay, pulu-pulo, mabundok at hindi patag ang mga lupain kaya ang nabuong kabihasnan ay mga watak-watak na lungsod-estado


Sinaunang Kabihasnan ng Minoan at Mycenaean
Archaic Greece (1450 - 700 B.C.E.)

Picture
                                   







Kabihasnang Minoan
  • kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Greece
  • Crete
  • Pinamunuan ni Haring Minos na anak ni Zeus at Europa
  • Cretan – mahuhusay na manlalayag at mangangalakal
  • Sir Arthur Evans – isang English na arkeologong nakadiskubre sa kabihasnang Minoan nang mahukay ang Knossos noong 1899
  • Knossos – maunlad na lungsod at sentro ng Minoan na nasira dahil sa lindol, pagkasunog at pananalakay ng mga dayuhan
  • Minotaur – isang dambuhala na may ulo ng toro at katawan ng tao na nasila ni Theseus, hari ng Athens
Kabihasnang Mycenaean
- Kilalang hari si King Agamemnon ng Mycenae
- nadiskubre ni Heinrich Schliemann
- Mycenaean = Achaeans
- Mycenae – pinakamalaking lungsod ng Mycenaean
- Ang karibal ng Troy, isang mayamang lungsod sa Asia Minor

Kulturang Hellenic


Hellen – ninuno
Hellenic – kabihasnan
Hellas – bansa
Hellenes – tao

Tinatayang nagsimula sa unang pagtatanghal ng paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus (Olympics, 776 BCE)

Mga Akda ni Homer: 
1. Iliad – tungkol sa digmaan ng mga Griyego at Trojan (Trojan War)
2. Odyssey – Odysseus – pagbalik sa Greece matapos ang Trojan War

Mandirigmang Polis ng Sparta

Picture
  • manidirigmang polis
  • matatagpuan sa Peloponnesus
  • sandatahang lakas at militar
  • pananakop ng lupain at pagpapalakas ng militar
  • Lacedaemon – dating pangalan
  • Oligarkiya
  • Karibal ng Athens

Pamahalaan Mga Hari 
  • lahi ni Hercules
  • 2 inihahalal ng aristokrato
  • Pangunahan ang sundalo at panrelihyong ritwal
Assembly
  • kalalakihan lampas 30 taong gulang
  • magpasa ng mga batas, magpasya kung digmaan o kapayapaan
Ephors at Elders 
  • 5 bagong miyembro ng Ephors
  • 28 na tao lampas 60 taong gulang ang mga Elders

Uri ng Lipunan 
  1. Aristocrats – mayayaman, pakikidigma
  2. Perioeci – mangangalakal, malalayang tao
  3. Helots – magsasaka, alipin

http://soaringeagleons.weebly.com/greece.htm





No comments:

Post a Comment