Friday, January 8, 2016

Sinaunang Gresya

Ang blog na ito ay proyekto ng mga mag-aaral ng St. Mark (Assumption College of Nabunturan) sa Araling Panlipunan.

Sa blog na ito makikita o mababasa mo ang kasaysayan Gresya.

Ang Sinaunang Gresya ang kabihasnang Griyego na kabilang sa isang panahon ng kasaysayan ng Gresya na tumagal ng mga isang libong taon mula ika-8 siglo BCE hanggang ika-6 siglo BCE hanggang sa wakas ng antikwidad(ca. 600 CE). Pagkatapos ng panahong ito ang pasimula ng Maagang mga gitnang panahon at panahong Bisantino. Kabilang sa Sinaunang Gresya ang panahon ng Klasikong Gresya na yumabong noong ika-5 hanggang ika-4 siglo BCE. Ang Klasikong Gresya ay nagsimula sa pagpapatalsik sa isang pananakop na Persa (Persian) ng mga pinunong Atenian. Dahil sa mga pananakop ni Dakilang Alejandro, ang kabihasnang Helenistiko ay yumabong mula Sentral Asya hanggang sa kanluraning dulo ng Dagat Mediteraneo.
Ang kulturang Griyego lalo na ang pilosopiya ay makapangyarihang nakaimpluwensiya sa Imperyong Romano na nagdala ng bersiyon nito sa maraming mga bahagi ng Europo at ito ang isa sa mga inspirasyon ng Muling Pagsilang sa Kanlurang Europa. Ito rin ang naging batayan ng pagusbong ng Neoklasisismo sa Europa at mga Amerika noong ika-18 at ika-19 na dantaon.
Ginagamit ang salitang Sinaunang Gresya patungkol sa mga tao, pamumuhay at kaganapan sa mga lugar kung saan Grego ang salita ng mga tao noong sinaunang panahon. Maliban sa peninsula ng Gresya, kabilang dito ang Tsipre, mga isla sa Dagat Aegea, ang baybayin ng Anatolia (kilala noon bilang Ionia), Sicily sa timog Italya (kilala noon bilang Magna Graecia), at ang mga kalat na tirahan ng mga Grego sa baybayin ng ColchisIllyriaThraceEhiptoCyrenaica, timog Gaul, silangan at hilagang-silangan ng Peninsulang IberikoIberia at Taurica.



Acropolis


© Google Images, tl.wikipedia.org


No comments:

Post a Comment